Balitang OFW: Philippine Embassy bukas ang pintuan para sa OFW repatriation mula Qatar

  • 2 months   ago

Ang Embahada ng Pilipinas at Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Qatar ay palaging bukas ang pintuan at handang tumulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nais bumalik ng Pilipinas dahil sa coronavirus outbreak.

Para sa mga repatriation concerns, narito ang mga hotline na maaaring tawagan:

  • POLO OWWA for skilled +974 3160 4400
  • POLO OWWA for household +974 7097 0873
  • Assistance to Nationals Hotline +974 6644 6303

 

 

Narito din ang balitang inanunsiyo ng Embahada at ng POLO hinggil sa natapos na repatriation ng ilang kababayan mula sa Qatar patungong Pilipinas:

Kamakailan lamang, ang Embahada at POLO sa Qatar, ay naisakatuparan ang repatriation ng 55 OFWs sa tatlong batches mula April 2 hanggang 4, 2020. Ang mga OFW na ito ay mga  female wards na mula sa Migrant Workers at Overseas Filipino Resource Center (MWOFRC).

Ang repatriation ay isinagawa sa tulong ng Qatar's Ministry of Administrative Development, Labor and Social Affairs (MADLSA) na siyang sumagot sa mga repatriation tickets ng mga OFW, at ang Seach and Follow-up Department (SFD) ang nagproseso ng travel clearances for overstaying, absconding at iba pang immigration issues.

Ang mga OFW ay sumakay ng Qatar Airways, ang kaisa-isang airline na may outbound flights mula Doha hanggang Manila.

Source: Embassy of the Philippines Doha Qatar

Comments