Nakapagdownload na ba kayo na ng EHTERAZ app? Narito ang ilang gabay

  • 1 week ago

Simula kahapon ipinatupad na ng Qatar ang mandatory na pag download ng EHTERAZ app alinsunsod sa preventive measures nito upang puksain ang paglaganap ng sakit na coronavirus (Covid-19).

Subalit ano nga ba ang Ehteraz App? Bakit mayroong app na ganito? At paano ito gamitin?

Gaya ng ibang bansa, ang Qatar ay nagrelease ng isang mobile application na tinatawag na "EHTERAZ." Ito ay isang risk detector app na inilunsad ng Qatar para makatulong sa pagsugpo sa sakit na Covid-19.

Ang lahat ng tao sa Qatar ay kinakailangang mag-install nito. At sa mga lalabag, may karampatang penalty na hindi lalagpas ng 200,000 riyals at pagkabilanggo ng hindi hihigit sa tatlong taon.
 

 

 

Layunin ng EHTERAZ app na mapadali ang proseso ng Qatar sa pagtrace ng mga nakahalubilo ng mga taong infected sa sakit na coronavirus o Covid-19. Ito din ay:

1. Tututulong sa pag-identify ng transmission o paglipat-lipat ng virus mula sa isang tao hanggang sa iba pang tao

2. Magbibigay alerto o signal sa mga mamamayan

3. Tutulong sa mga nagbibigay ng medical support at kung sino ang bibigyan ng priority sa coronavirus testing

4. Malalaman ng mga users ng app kung ano ang kalagayan nila sa kanilang kalusugan sa pamamagitan ng mga sumusunod na QR Health Codes:

Green - kung ikaw ay malusog o walang problema sa kalusugan

Yellow - kung ikaw ay quarantined

Grey - kung ikaw ay suspetsyadong mayroon coronavirus

Red - kung ikaw ay infected

5. Magkakaroon din kayo ng access sa mga latest developments at statistics related sa Covid-19 sa Qatar.

Noong isang buwan pa po iniulat ang tungkol sa app na ito. Noong, April 9, 2020 ibinahagi ng Supreme Committee for Crisis Management sa isang press conference ang desisyon nito na isabatas ang paggamit nito sa bansa..

At mula kahapon, Biyernes, May 22, lahat ng citizens at residents ng Qatar ay kinakailangang magdownload ng EHTERAZ application.

Narito ang ilang frequently asked questions and answers hinggil sa mobile application na ito:

Paano ang pagdownload ng EHTERAZ?

- Para sa mga iPhone, iPad, iPod touch users, hanapin ang EHTERAZ sa Apple Store. Kailangang updated ang inyong iPhone sa iOS 13.1 version at ito ay para sa iPhone 11, iPhone11 Pro, iPhone 11 Pro Maz, Phone XS, iPhone XS Max, iPhone XR, iPhone X, iPhone 8, iPhone 8 Plus, iPhone 7, iPhone 7 Plus, iPhone 6s, iPhone 6s Plus, iPhone SE, iPod touch (7th generation).

- Para naman sa mga Android users, hanapin ito sa Google Play Store at dapat updated ito sa Android 5.0 pataas. Bago idownload please make sure na updated muna ang inyong phone software.

• Bakit kailangan ng Bluetooth at palaging on?

Automatic na open ang bluetooth para sa live contract tracing. Ayon sa Ministry of Interior (MoI), it is used to help identify if the person near you has been quarantined or infected. Hindi gagana ang app kung walang bluetooth.

• Bakit kailangang iaccess ang storage?

Kailangan ito for security purposes upang macheck kung  rooted o jailbroken device ito.

• Paano kung hindi ko maupdate ang phone ko sa iOS 13.1 o Android 5.0 pataas?

Ayon sa 109 hotline agent wala dawng solution ito sa kasalukuyan dahil ito ang minimum requirement ng mobile application.

• Paano mag-register?

- Pagkatapos mong idownoad ang app, press ok or allow to use Bluetooth, to send notifications at piliing ang "Always" sa settings to change location authorization.

- Pindutin mo ang start button.

- Piliin ang lenggwaheng Ingles at basahin ang terms at conditions.

- Ilagay ang inyong mobile number, QID number, at QID expiration date. Then pindutin ang REGISTER button.

- Makakatanggap kayo ng OTP sa inyong mobile number. Ilagay ito para maverify.

- Pagkatapos ay makikita nyo na ang inyong QR Health Code at maari mo nang gamitin ang app.

Paano kung palaging nag-eeror o nagkacrash?

• Irestart lamang ang phone o iunstall at reinstall ulit.

Paano kung visit o tourist visa lamang ang hawak ko at walang akong QID?

Ayon sa MoI, hindi makakapag-register sa EHTERAP app kung wala kayong QID. Kapag expired naman ang pataka, kailangang i-renew ito. Sapagkat valid ID lamang ang tinatanggap ng system. Pwede i-renew ang QID gamit ang Metrash 2 app o MoI services portal.

Madalas itong maging sanhi ng pagka-drain ng aking phone battery, pwedeng ba itong i-off?

Pwede, basta i-on nyo lang kung kayo ay lalabas ng bahay.

Paano ko ma-access ang app kung akoy nasa labas at walang cellphone?

Kinumpirma ng Ooredoo na ang pagdownload ng app ay libre lamang. Ayon din sa Vodafone lahat ng data usage charges ay free lamang.

Lahat ng mga impormasyong ito ay nakakonekta sa database ng mga ministry sa Qatar, at kapag may nadetect na coronavirus infections a isang, mabibigay ito ng hudyat sa mga authorities upang matunton nila ang area kung saan naroon ang taong infected. Malalaman din ng authorities kung sinu-sino ang naroroon sa kinalalagyan ng taong infected dahil sa app.

Para sa inyong mga katanungan, maaaring tumawag sa Qatar Government Contact Center 109. Available ito 24/7 sa siyam na lenggwahe. Para naman health related concerns, sumangguni sa 16000 hotline ng Ministry of Public Health (MoPH).

Bago pa man kayo lumabas ng inyong mga tirahan, siguraduhing nakapagdownload at nakapagregister na kayo sa EHTERAZ app.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang ulat na ito:

Everything You Want To Know About EHTERAZ app

Narito naman ang pahayag mula sa Director ng MoPH tungkol sa app:

Ehteraz app doesn’t violate user privacy says MoPH official

Comments