'Filipino Correspondent Live' with Darlene Regis - September 6, 2020

  • 2 months   ago

Nagbabalik ang Filipino Correspondent News Program ng Qatar Day upang maghatid ng mga balita ngayong September 6, 2020 sa Qatar.

Narito ang live report ng Qatar Day sa mga kaganapan sa Qatar ngayon:

1.MOI Nag-expand ng Service Center Operations

Pinalawig pa ng Ministry of Interior ang service operations. Alamin ang mga pagbabagong ito sa ulat ni Kasamang Myca.

Magsubscribe na sa YouTube Channel ni Myca Agustin via this link: IT'S ME MYCA - www.youtube.com/channel/UCNseEK3W9vxeLvhkwLgEJRQ 

2. Bagong Metrolink sa The Pearl Qatar

May bagong metro link ng Doha Metro sa Legtaifiya Station at ito ay aarangkada sa The Pearl Qatar. Nakatutok si Kasamang Myca Agustin para sa buong detalye.

3. Weather Update sa Qatar Ngayon

Para sa lagay ng panahon sa araw na ito, nagbabalik si Kasamang Myca Agustin.

Imagemay contain: ‎2 people, ‎people sitting, ‎text that says '‎LE COIFFEUR كوافير لي لافللرجال مالون 0 REMEMBER.. IT'S NOT JUST HAIRCUT IT'S AN EXPERIENCE ITS Father Sor ON MONDAYS! Every monday, kids get 50% off on haircuts when accompanied by their dad! Pre-booking required f www.lecoiffeur.salon‎'‎‎‎

Magpunta na po kayo sa Le Coiffeur Men’s Barber mga Kabayan nating gustong magpagupit dahil kapag umabot ng 11 na beses ang pag avail nyo ng haircut services dito, libre nalang po ang pang-11 na gupit. Kapag birthday nyo naman, kalahati lang ang babayarin nyo dahil may 50% discount sa mga birthday celebrants.

4. Mga Dapat Tandaan sa Pagpalit ng Trabaho ng Walang NOC

Ngayon lamang araw na ito ay may ipinalabas na mga gabay ang Ministry of Labour sa Qatar tungkol sa paglipat ng employer ng walang No Objection Certificate o NOC at ang mga ito ay dapat tandaan:

• Una, ang pag-alis ng NOC requirement ay para sa lahat ng workers, subalit magkakaiba ang patakaran ng pagtapos ng kontrata at pagpalit ng trabaho depende sa kung saan napapabilang na kategorya ang manggagawa.

Kapag ikaw ay kabilang sa Private Sector, pribadong sektor na covered ng

LABOUR LAW NO. 14 OF 2004.

Upang magpalit ng trabaho ng walang NOC, kailangan mong bigyan ng notice ang iyong current employer gamit ang Electronic Notification System: https://bit.ly/ADLSA-ENS

Ang worker ay kailangang magbigay ng at least one (1) month’s written notice kapag nagtrabaho ng two (2) years or less sa kumpanya, o two (2) months’ notice naman kapag nagtrabaho sa employer nito ng mahigit two (2) years.

Kailangan kayong makakuha ng offer letter sa bagong company dahil kailangan itong i-attach sa website kasama ang change of employer form, kopya ng kontrata o offer letter niyo with your former employer at once again offer letter din mula sa  bago niyong employer.

Ikaw at ang bago niyong employer ay makakatanggap ng SMS bilang confirmation sa pagpalit niyo ng trabaho.

Kailangan naman ng new employer niyo na gumawa ng contract sa Digital Authentication System.

Kailangang i-print ng new employer ang bago niyong employment contract, idiscuss ito sa inyo at kailangan niyo itong pirmahan.

Pagkatapos mong pirmahan ang new contract, iuupload ito ng new employer sa Digital Authentication System https://elcr.adlsa.gov.qa/ at magbabayad siya ng 60 Qatari Riyals.

Kapag ma-authenticate na ang inyong employment contract, magsusubmit na ng request para sa bago niyong QID sa Ministry of Interior.

Ikaw at ang mga employers ay maaaring makapagdownload ng kopya ng employment contract mula sa Digital Authentication System.

Paano kung under probationary period?

Maaari mong iterminate ang iyong kontrata kahit nasa probation period ka subalit dapat mong inotify ang iyong current employer at least 1 month bago ka umalis ng kasalukuyang trabaho mo sa pamamagitan ng electronic system na nasa link sa screen.

Dapat ding bayaran ng ng current employer niyo ang ng ilang parte ng recruitment fees at one-way air ticket na dapat pagkasunduan ng current and new employer mo, na hindi lalagpas ng 2 months ng kasalukuyan mong basic wage.

Ano ang mangyayari kapag hindi mo nakompleto ang notice period mo with your current employer?

Kailangan mong bayaran ang current employer mo kada araw na hindi ka nagtrabaho during the notice period.

Halimbawa, kapag huminto ka ng 2 weeks, at ang basic salary mo ay 1,500, ang dapat mong bayaran ay 750 QAR dahil equivalent ito sa basic wage sa remaining part ng iyong notice period.

5. Maaari Bang Umalis ng Qatar at Bumalik Para sa Bagong Trabaho?

Kapag aalis ka ng Qatar ng walang abiso ng current employer mo at hindi nakompleto ang notice period, hindi ka makakabalik dito sa loob ng isang taon.

Para maiwasan ito, kailangan mong magbigay ng notice sa iyong current employer sa electronic system. Kapag gusto mo nang umalis at hindi tapusin ang notice period, kailangan mong bayaran ang iyong employer ng katumbas ng basic wage mo at ng remaining part ng notice period.

Kapag under probation ka naman at gusto mo nang tapusin ito, you have to notify your employer 1 month before leaving the job, through ADLSA’s electronic system.

Para naman sa mga domestic workers, pareho lang ito sa patakaran ng mga private sector workers.

Ang mga employers ng domestic workers ay maaring iterminate ang employment contract ng manggagawa without notice at kahit hindi bigyan ng end of service gratuity kapag hindi susunod ang worker sa batas para sa mga domestic workers.

Maari namang hindi tapusin ng domestic workers ang kanilang employment contract anytime without notice at may karapatan sila sa end of service gratuityat return plane ticket back to his/her country of origin kapag wala silang nilabag na batas.

6. Ano ang Dapat Gawin Kapag Hindi Pinapayagang Magpalit ng Trabaho?

Maaaring makipag-ugnayan sa hotline (16008), by email (info@adlsa.gov.qa), o bumisita sa tanggapan ng Ministry of Administrative Development, Labour and Social Affairs.

7. Gabay sa Mga Nais Magpakasal sa Qatar

• Ayon sa Ministry of Public Health, papayagan lamang ang mga may green Ehteraz status at body temperature na lower than 38 degree celcius.

• Kailangang magsuot ng facemasks at gloves ang mga employees na nagtratrabaho para sa wedding event sa lahat ng oras.

• Ang maximum number of attendees sa wedding celebration hall o sa tent should not exceed 40 o 30% of the total capacity ng venue, at ang capacity ng lugar ay 9 square meters per person.

• Lahat ng dadalo ay dapat magsuot ng facemasks sa lahat ng oras maliban lamang kung kakain at iinom.

• Ang mga imbitado ay dapat iwasan ang paghalik, pagyakap, at shaking hands.

• Bawal ang musical band sa loob ng parehong hall.

• Lahat ng mga empleyado at mga manggagawa sa wedding halls ay dapat sumailalim sa Covid-19 tests bago magpatuloy sa operasyon.

• Ang location ay dapat properly sanitised, lalo na ang mga surfaces at areas na palaging hinahawakan ng mga tao.

• Bawal ang open buffet.

• Ang mga pagkain ay dapat lamang i-serve sa mga lamesa, at may distansya na at least 2m between tables.

• Ang maximum na bilang ng mga taong papayagan sa bawat table ay lima lamang.

• Kailangan ng sapat na ventilation na may flow of fresh air sa venue.

• Dapat may hand sanitizers sa mga entry points, tables, at lahat ng relevant places, at dapat hikayatin ang mga imbitado na gamitin ang mga ito.

Ang mga toilets ay dapat naka-sanitise before, during, and after the event.

8. 300 Bus Stops ng Doha Metro

Inihahanda na ng Qatar Rail ang 300 bus stops near Doha Metro stations. Ang mga stops na ito ay minarkahan ng bright red color ay inihanda upang mapadali ang boarding at alighting ng mga pasahero na malapit sa mga estasyon.

Ang Metrolink ay nagpatuloy ng operasyon sa 17 selected routes at ang schedule ng operasyon nito ay mula 6am hanggang 11pm tuwing Sunday to Wednesday, 6 am to 11:59 pm tuwing Thursday at 2 pm hanggang 11:50 pm sa Friday.

Nakipag-ugnayan ang Doha Metro sa Vodafone sa pagbibigay ng libreng Wi-Fi services sa mga commuters nito mula September 1. Ang Wi-Fi services ay libre lamang for the first 30 minutes at additional minutes ay may bayad.

 

 

 
Visit www.qatarday.com, follow us on Facebook, Twitter, Instagram and Youtube

Stay safe, stay healthy, stay informed, and stay updated with Qatar Day News.

 

 

 

Comments