'Filipino Correspondent Live' with Darlene Regis - Sep. 1, 2020

  • 2 months   ago

Nagbabalik ang Filipino Correspondent News Program ng Qatar Day upang maghatid ng mga balita ngayong September 1, 2020 sa Qatar:

Narito ang live report ng Qatar Day sa mga kaganapan sa Qatar ngayon:

1. 26 Covid-19 testing centers Inaprubahan ng MoPH

Nagpalabas ng listahan ang Ministry of Public Health ng mga bago nitong inaprubahang Covid-19 testing centers sa Qatar. Nakatutok si Kasamang Myca para sa buong detalye.

Magsubscribe na sa YouTube Channel ni Myca Agustin via this link: IT'S ME MYCA - www.youtube.com/channel/UCNseEK3W9vxeLvhkwLgEJRQ 

2. Lumabag sa Home Quarantine Inaresto

Ilang mga resident eng Qatar nabisto sa paglabag sa home quarantine rules. Nagbabalik si Kasamang Myca Agustin para sa buong impormasyon.

3. Polisiya sa Pagliban ng 1-2 Weeks sa Pasukan

Sa mga Kabayan nating may mga anak na estudyante dito sa Qatar? Handa na ba silang magbalik-skwela? Alam niyo ba na may mga panuntunan na dapat sundin kapag liliban ng isa hanggang dalawang lingo sa pasukan? Nakatutok si Kasamang Myca para sa buong detalye.

4. Weather Update sa Qatar Ngayon

Para sa lagay ng panahon sa araw na ito, nagbabalik si Kasamang Myca Agustin.

Magpunta na po kayo sa Le Coiffeur Men’s Barber mga Kabayan nating gustong magpagupit dahil kapag umabot ng 11 na beses ang pag avail nyo ng haircut services dito, libre nalang po ang pang-11 na gupit. Kapag birthday nyo naman, kalahati lang ang babayarin nyo dahil may 50% discount sa mga birthday celebrants.

5. NOC: Hindi na Kailangan Kapag Lilipat ng Trabaho sa Qatar

• Nagpalabas ng bagong announcement ang Ministry of Labour tungkol sa step-by-step process kung paano magpalit ng trabaho na hindi na kailangan ang NOC.

• Una kailangan kayong makakuha ng offer letter sa bagong company dahil kailangan itong i-attach sa link na ito https://bit.ly/ADLSA-ENS kasama ang change of employer form, kopya ng kontrata o offer letter niyo with your former employer at once again offer letter din mula sa  bago niyong employer. 

• Ikaw at ang bago niyong employer ay makakatanggap ng SMS bilang confirmation sa pagpalit niyo ng trabaho.

• Kailangan naman ng new employer niyo na gumawa ng contract sa Digital Authentication System, may link din ito that we will share in the comments.

• Kailangang i-print ng new employer ang bago niyong employment contract, idiscuss ito sa inyo at kailangan niyo itong pirmahan.

• Pagkatapos mong pirmahan ang new contract, iuupload ito ng new employer sa Digital Authentication System https://elcr.adlsa.gov.qa/ at magbabayad siya ng 60 Qatari Riyals.

• Kapag ma-authenticate na ang inyong employment contract, magsusubmit na ng request para sa bago niyong QID sa Ministry of Interior.

• Ikaw at ang mga employers ay maaaring makapagdownload ng kopya ng employment contract mula sa Digital Authentication System.

• Maaari nang magpalit ng trabaho ang mga migrant workers o expatriates ng hindi na kinakailangang magrequest ng No Objection Certificate (NOC) mula sa kanilang employer.

• Maaaring i-terminate ang kontrata ng employee at employers, kahit fixed-term o open-ended ito, at dapat may sundin na minimum notice period.

• Upang ma-iterminate ang employment contract at makapagpalit ng trabaho, ang worker ay kailangang magbigay ng at least one (1) month’s written notice kapag nagtrabaho ng two (2) years or less sa kumpanya, o two (2) months’ notice naman kapag nagtrabaho sa employer nito ng mahigit two (2) years.

• Kapag ang kontrata ay terminated ng walang tamang notice, ang nagterminate nito ay obligadong magbayad to the other party ng katumbas sa halaga ng basic wage ng emplyado for the notice period.

• Dahil sa pagbasura sa NOC, maari nang makapag-hire ang mga employers ng experienced staff dito sa Qatar kumpara kukuha pa ng mga applicants sa ibang bansa, mas makakatipid dito ang mga kumpanya sa gastusin sa recruitment process.

• Ang pag-alis ng NOC din ay makapagbibigay ng kalayaan sa mga residente na magpalit ng trabaho.

6. Bagong Minimum Wage Ipinatupad sa Qatar 

• Ang bagong minimum wage na 1,000 Qatari riyals (QAR) ay para sa lahat ng manggagawa sa Qatar, kahit anumang nationalities at para sa lahat ng sectors: pampubliko man o pribadong sektor, kabilang na ang mga domestic workers. Bawat manggagawa ay makakatanggap ng  minimum wage kahit anumang trabaho nito. 

• Bukod sa 1,000 Qatari riyals basic minimum wage, ang mga employers ay kinakailangang magbigay ng desenteng accommodation at food allowance.

• Ang employee o domestic worker ay kailangang bigyan ng 500 Qatari riyals per month for accommodation at 300 Qatari riyals per month for food. (Kapag hindi mabigyan ng employers ng food at accommodation allowance – kailangang bigyan ito ng desenteng matitirhan).

• Ang non-discriminatory minimum wage na 1,000 QAR (minimum wage) + 500 QAR (accommodation) + 300 QAR (food) = 1,800 QAR per month, ay para sa lahat ng workers sa Qatar’s private sector, kahit anumang  trabaho o nationalities nito.

• Ang Qatar ay kauna-unahang bansa sa Middle East na nagpanukala ng non-discriminatory minimum wage.

• Ang minimum wage sa Qatar ay mas mataas kumpara sa katumbas na rate nito sa mga may pinakamalaking expat populations dito kabilang na ang Pilipinas.

- Ang 1,800 Qatari Riyals minimum wage per month ang sa Qatar ay 375 Qatari Riyals lamang ang sasahurin per month kung tayo ay nasa Pilipinas.

• Ang Minimum Wage Committee ay nagbuo ng task group na magre-review sa minimum wage ng mga employado at domestic workers. 

• Kapag ang kumpanya ay may mga empleyado sa payroll system nito na kumikita ng mas mababa sa bagong minimum wage, ay kailangang palitan nang naaayon sa sapat na sahod. 

• Kapag mataas naman ang sahod ng employees sa payroll system kumpara sa minimum wage, hindi dapat babaan ito ng mga employers.

7. Doha Metro Nagbabalik at May Wi-Fi sa Byahe 

Good news mga Kabayan! Umarangkada na ulit ang Doha Metro. Pagpasok niyo sa metro station, dapat nakasuot na kayo ng mask, maghand sanitize, magpacheck sa thermal scanner. Kapag wala pa kayong travel cards, ito ay available din sa mga licensed retailers gaya ng Lulu, Al Meera, Carrefour, Family Food Centre at Jumbo Electronics.

Maaaring magdagdag ng credit sa iyong Travel Card gamit ang Qatar Rail app.

Simula sa araw na ito, September 1, magpapatuloy nang muli ang Doha Metro sa mga operasyon nito. Magkakaroon na din ng libreng Wi-Fi para sa lahat ng sasakay ng Doha Metro stations at trains, simula bukas. Ang complimentary internet ay good for 30 minutes lamang per day. Kapag gusto niyo ng additional minutes may karagdagang bayad ito.

Magbabalik operasyon na ang lahat ng Doha Metro stations sa Phase 4 ng gradual lifting of Covid-19 restrictions sa Qatar at ito ay sa simula ng September. Mayroon ding nadagdag na estasyon nito na tinatawag na Legtaifiya Station na malapit sa Katara at The Pearl Qatar. Sa kasalukuyan, mayroon nang 37 stations ang Doha Metro.

Ang mga public bus ay available na rin subalit may 30% capacity lamang ng pasahero ang papayagang makasakay kada byahe. Makikita niyo sa video ang mga hakbang na dapat sundin kapag sasakay sa mga pampublikong sasakyan sa Qatar.

8. Presyo ng Gasolina 

Hindi nagbabago ang presyo ng gasolina sa Qatar ngayong September. Ang premium ay 1.20 Qatar Riyals per litre, 1.25 QAR naman para sa Super at 1.25 QAR din para sa Diesel.

Batiin natin ang ating mga viewers.

Mga Kabayan, kung kayo ay naghahanap ng trabaho, lalung-lalo na at hindi na kakailanganin ng NOC kapag lilipat ng employer, paghandaan na ang inyong paglipat at maraming naghihintay na trabaho sa inyo sa qatarday.com/jobs.php. Ipadala ang inyong CVs dahil may job portal po ang qatarday.com website. Don’t forget to visit  qatarday.com/jobs and send your CV now!

At dito nagtatapos ang aming programa ngayon. Abangan ang aming susunod na live video. Visit qatarday.com, follow us on Facebook, Twitter, Instagram and Youtube. 

Stay safe, stay healthy, stay informed and stay updated with Qatar Day News.

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments