'Filipino Correspondent Live' with Darlene Regis - August 9, 2020

  • 3 months   ago

Nagbabalik ang Filipino Correspondent News Program ng Qatar Day upang maghatid ng mga balita ngayong August 9, 2020 sa Qatar:

Narito ang live report ng Qatar Day sa mga kaganapan sa Qatar ngayon:

1. Mandatory Covid-19 Negative Test Result Para sa Passengers ng Qatar Airways  –

Alam niyo ba na ang Pilipinas ay kasama sa mga bansa na kailangang magsumite ng Coronavirus negative test result kapag aalis ng bansa sakay ng Qatar Airways? Nakatutok si Kasamang Myca Agustin para sa buong detalye.

2. Weather Update sa Qatar Ngayon

Para sa lagay ng panahon sa araw na ito, nagbabalik si Kasamang Myca Agustin.

3. Question of the Day - Mula kay Beverly Carillo, isang OFW sa Qatar

"Gaano katagal ang proseso sa pagkuha ng refund sa plane ticket?"

Kasagutan sa tanong ni Beverly Carillo:

  • Ang pagrefund ng plane ticket ay depende sa airline policy. Sa Philippine Airlines, if your flight is affected by cancellations or travel ban (from February 2 to September 15, 2020), you are eligible for a refund without penalties. Kapag ang iyong flight ay hindi affected ng cancellations or travel ban (from July 1 onwards), maari kayong mag refund ng ticket subject to fare rules. Maaari itong magkaroon ng penalties depending on the schedule, status, and issuance date of your ticket. 
  • Due to the high volume of requests and limitations from the Enhanced Community Quarantine in the Philippines, there may be some delays in processing of refunds. You can only coordinate this with the airline.
  • Kapag kayo ay nagbook sa Qatar Airways, maari niyo itong ire-book ng alternative dates or destinations o pwede ring makatanggao ng voucher for future travel, equivalent to the value of your ticket plus an additional 10% value, excluding statutory taxes. Maari ding palitan ang iyong ticket for Qatar Airways Privilege Club Qmiles, or get a refund. This policy applies to all tickets issued anytime until 31 December 2020, for travel on or before the same date. Kapag kayo ay nagbook though a travel agent, please contact your travel agent para palitan yung booking nyo, exchange your ticket for a future travel voucher, exchange your ticket for Qmiles or arrange for a refund.
  • If you have booked with Qatar Airways directly, you can select your preferred option through its website and theywill automatically process the request. You can also contact any of its offices or contact centres.

4. Mall of Qatar Safe Dining Experience

Nakapunta na ba kayo sa Mall of Qatar pagkatapos itong magreopen sa public? Kung hindi pa, ano na nga ba ang kalagayan dito lalo na sa mga restaurants nito? Nakatutok si Kasamang Reidzkhan para sagutin ang katanungang ito.

Maraming salamat Kasamang Reidzkhan. Visit the YouTube channel of Reidzkhan at Millionsss.

4. Residents Outside Qatar Walang Bayad ang RP Expiry

Inanunsiyo ng Ministry of Interior (MoI) na lahat ng residente na nasa labas ng Qatar at hindi kaagad nakabalik dahil sa travel ban noon ay exempted sa mga fees kapag nag-expire ang kanilang residence permits o iyong mga lumagpas ng 6 months sa pananatili sa labas ng Qatar.

Nagsimula nang tumanggap ang Qatar ng mga applications ng exceptional entry permits mula sa mga residents na may Qatar IDs o QIDs for, ang permit na ito ay kinakailangan upang makabalik sa Qatar.

5. Libreng Covid-19 PCR Test Gamit ang Health Card

  • Kahit sino maaaring makakuha ng sakit na coronavirus, bata man o matanda, malusog man o hindi. Kaya’t upang maiwasan ito, kailangang ipacheck kaagad ang inyong kalusugan kapag mayroong mga sintomas katulad ng ubo, sipon, hirap na paghinga, at iba pa.
  • Hinihikayat ng Ministry of Public Health na tumawag kaaagad sa MoPH helpline 16000, magtungo sa mga virus testing centers, dahil kung mas maagang madetect ang sakit, mas mabilis din itong maagapan.
  • Para maiwasan ang magbayad ng aabot 500 Qatar Riyals sa mga private clinics, kailangang magkaroon kayo ng government-issued Health Card. Magpunta sa designated health center. Malalaman nyo kung saang health center kayo nakaregister sa numerong nakasaad sa likod ng iyong health card, maari nyong tanuningin ito sa pagtawag sa 16000 hotline.
  • Dumiretso sa health center at magpakonsulta sa medical staff. Kukumpirmahin nila kung kayo ay dapat sumailalim sa swab test. Kapag oo, kayo ay papapuntahin sa isolation room, kung saan may telepono na kailangan niyong sagutin ang mga tawag for further instructions.
  • Magsasagawa kayo ng swab test sa tulong ng isang doctor at nurse. Makukuha ang resulta in 2 days. Magregister lamang sa MyHealth portal para malaman ang results. You will be advised to stay at home and isolate yourself until the results are out.
  • Pagkatapos ng swab test, bibigyan kayo ng prescribed medicines na babayaran niyo lamang depende sa mga gamot, halimbawa 6 riyals o mababang halaga. Ang pagbayad nito ay gamit lamang ng iyong credit o debit card at ang nurse ang magbabaayad sa pharmacy.
  • Hintayin ang results. Kapag negative, maari na kayong lumabas ng tirahan, kapag positive naman, mayroong further instructions ang Ministry medical staff sa inyo katulad ng pananatiling nakaisolate.
  • Libre lamang ang Covid-19 PCR o polymerise chain reaction (PCR) test kapag gamit ang health card. Ang test na ito ay upang matukoy kung infected kayo ng COVID-19. Para malaman ang proseso sa pagkuha ng health card, basahin ang karagdagang impormasyon dito: How to Get a Free COVID-19 PCR Test in Qatar Using Your Health Card?

6. Qatari Riyals to Philippine Peso Exchange Rate

13.31 sa araw na ito ang palitan ngayon ng Qatari Riyals to Philippine peso. Kung kayo ay magpapadala ng pera sa Pilipinas sa mga exchange outlets sa Qatar, ugaliing magdoble ingat upang maiwasan ang mapanganib na coronavirus.

7. Update Ngayon sa Covid-19 Cases sa Qatar

297 ang naitalang new confirmed cases ng Coronavirus sa Qatar sa araw na ito. Dalawa naman ang naiulat na pasyenteng nasawi ngayon bunsod ng Covid-19 at sila ay 23 at 57 years old. Ayon sa Ministry of Public Health, ang kaso ng mga nakarecover mula sa virus naman ngayon ay 271. Makikita nyo sa screen ang dami ng virus-free na ngayon gayundin ang active cases. 

 

At dito nagtatapos ang aming programa ngayon. Abangan ang aming susunod na live video bukas, August 10,2020. Maari kayong mag advertise sa aming programa at magpadala ng videos o stories to share with the Filipino community through email sa info@qatarday.com. Visit www.qatarday.com, follow us on Facebook, Twitter, Instagram and Youtube

Stay safe, stay healthy, stay informed and stay updated with Qatar Day News.

Comments