'Filipino Correspondent Live' with Darlene Regis - August 27, 2020

  • 2 months   ago

Nagbabalik ang Filipino Correspondent News Program ng Qatar Day upang maghatid ng mga balita ngayong August 27, 2020 sa Qatar.

Narito ang live report ng Qatar Day sa mga kaganapan sa Qatar ngayon:

1. Covid-19 Test Para sa Employees ng Private at Public Schools

Mga empleyado sa pampubliko at pribadong paaralan naghahanda para sumailalim sa Covid-19 test. Nakatutok si Kasamang Myca para sa buong detalye.

Magsubscribe na sa YouTube Channel ni Myca Agustin via this link: IT'S ME MYCA - www.youtube.com/channel/UCNseEK3W9vxeLvhkwLgEJRQ 

2. Weather Update sa Qatar Ngayon

Para sa lagay ng panahon sa araw na ito, nagbabalik si Kasamang Myca Agustin.

3. OWWA may pautang sa OFWs na nawalan ng trabaho

Maghahandog ng livelihood loans o pautang pangkabuhayan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa overseas Filipino workers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, ayon kay administrator  Hans Leo Cacdac.

Ayon kay Cacdac, inaprubahan na ng OWWA board na pinamumunuan ni Labor Chief Secretary Silvestre Bello ang group livelihood.

‘It’s a 500-M facility, it’s a [loan] grant P150,000 to P1 million ang maiga-grant natin,” ayon kay Cacdac sa pagdinig sa Senado.

Ayon pa sa opisyal, ito ay group livelihood program na nakatakdang magsimula sa September.

Sinabi pa ng opisyal na nakikitaan ng OWWA Board na ang nasabing grupo ng livelihood loans ay mas higit na magtatagumpay kaya naman hinikayat ang group livelihood program lalo na sa panahon ng pandemya na maaring mas magpatibay sa  negosyo.

Gayunman, hindi naman ipinaliwanag ni Cacdac ang mga kinakailangan sa aplikasayon para sa group livelihood assistance.

Nasa 165,000 OFWs ang natulongan ng OWWA  na makabalik sa kanilang rehiyon  mula May 15 at nasa 50 hanggang 60 porsyento sa kanila ay nag-apply para sa P10,000 cash aid mula sa Bot Kama yang pagtulong  (AKAP) program.

Mula naman sa 250,000 target benificiaries  ng AKAP sinabi naman ni Senate Committee on Labor chairperson  Joel Villanueva  na 162,266 OFWs lamang o 64.1% ang nakatanggap ng assistance sa ngayon.

Sinabi naman ni Cacdac na may P1 bilyong “earmarked” para sa AKAP mula sa supplemental budget  na natanggap ng DOLE  at P2 bilyon pa mula sa ipinanukalang Bayanihan Law 2.

4. Hotel Quarantine Packages sa August Limitado

Mayroong dinagdag na booking policies ang Discover Qatar sa Welcome Home Packages para sa self-funded hotel quarantine ng mga returning residents sa Qatar.

Ayon dito, para sa mga packages na nabook at binayaran ng returning residents on or after August 20, hindi na kailangang baguhin ang kanilang quarantine hotel bookings.

Kapag nagkapagbook na  ng hotel quarantine package hanggang August 20, non-refundable na ito at hindi na maaaring palitan ang petsa. Paalala ng Discover Qatar: Please therefore do not book your quarantine package until you are sure that the details are correct. Maliban nalamang kapag kinansela ng airline ang iyong flight.

Ayon sa Discover Qatar, limitado ang availability ng hotel quarantine packages for August arrival dates. Kapag wala nang mahanap na available this month, please check for September arrival dates.

5. Scammers sa Qatar: Nagnakaw ng QR10 Million, Arestado

Arestado ang mga nagpapanggap na empleyado ng banko matapos manmanan sila ng awtoridad mula sa patong-patong na reklamo ng 960 bilang ng residente ng Qatar sa mga banking frauds. Marami ang nagtext tungkol sa ginagawang anomalya ng grupo.

Tinawag na "Uncovering the Mask" ang nasabing operasyon. Hinuhuthutan umano ng mga suspect ng limpak-limpak na salapi ang mga inosenteng residente na may bank accounts.

Modus ng grupo na magtext o tumawag kahit kanino at magpapanggap na bank officials. Sasabihin nilang nablock ang inyong card o nanalo kayo ng malaking premyo at kailangan niyong icontact ang number na ibibigay nila. Kapag magreply kayo sa kanila, tatanuningin nila ang OTP o verification code at palihim na kukunin nito ang inyong secret information katulad ng passwords o secret codes. Ginagawa nila ito para makuha ang inyong bank account para malipat ang inyong pera, makapagbayad sila ng bills at makabili ng kahit ano online.

Kaya't babala mga Kabayan, mag-ingat at huwag basta-bastang ibahagi ang inyong personal na impormasyon.

Mahigit 10 million Qatari Riyals ang nanakaw ng grupo. Sa isang surprise raid at sa bisa ng search warrant, nahuli ang sindikato na kasalukuyang nakatira sa Qatar.

 

Umabot ng 31 akusado ang nabisto. Gumamit sila ng 4,000 simcards para sa sinagawang scam.

6. Phase 4 Simula na Ngayong September

Natapos na tayo sa Phase 1, 2 at 3, ngayong September Phase 4 na ng muling pagbubukas ng mga establishments at pagpapatuloy ng mga activities na dating ipinatigil bunsod ng coronavirus sa Qatar.

Ilan sa mga updates:

1. Lahat ng mosques magbubukas na

2. 80% ng employees pa rin sa mga work places

3. Para sa social gatherings, ganoon pa rin: 15 katao sa loob at 30 sa labas ang papayagan

4. Pwede na ang weddings with 40 people indoors at 80 people outdoors

5. Magbubukas na ang mga cinemas at theaters with 15% capacity for 18 years old and above only

6. Sarado pa rin ang mga playground at leisure centers

7. Local exhibits maaari but with 30% capacity

8. Bawal pa rin ang summer camps at paggamit ng sports equipment sa public parks.

9. Sporting events papayagan with limited capacity

10. Magbubukas na ang food courts sa malls with 30% capacity lamang, at pwede nang pumasok ang mga bata sa malls

11. Mas marami nang restaurants

12. Bawal pa rin ang mga beauty, barber, massage, at fitness training services

13. Papayagan na ang cleaning at hospitality services  with 30% capacity

Ang buong listahan na ito ay nakapublish sa lahat ng social media accounts ng Qatar Day.

7. Qatari Riyals to Philippine Peso Exchange Rate

Bumalik sa 13.16 palitan ngayon ng Qatari Riyals to Philippine peso. Tumaas na sana ito kahapon ng 13.32 subalit bumaba na naman  ito ng 13.16 ngayon. 

8. Job Hiring sa Qatar

Mga Kabayan, kung kayo ay naghahanap ng trabaho, please visit qatarday.com/jobs.php at ipadala ang inyong CVs dahil may job portal po ang qatarday.com website at maraming job hiring ngayon na naghihintay sa inyo. Don’t forget to visit  qatarday.com/jobs and send your CV now!

 

 

At dito nagtatapos ang aming programa ngayon. Abangan ang aming susunod na live video. Maari kayong mag advertise sa aming program and magpadala ng videos o stories to share with the Filipino community. Visit qatarday.com, follow us on Facebook, Twitter, Instagram and Youtube. 

Stay safe, stay healthy, stay informed and stay updated with Qatar Day News.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Comments