'Filipino Correspondent Live' with Darlene Regis - August 23, 2020

  • 2 months   ago

Nagbabalik ang Filipino Correspondent News Program ng Qatar Day upang maghatid ng mga balita ngayong August 17, 2020 sa Qatar:

Narito ang live report ng Qatar Day sa mga kaganapan sa Qatar ngayon:

1. Public beach opening sa Qatar

Muling nagbubukas ang ilang pampublikong lugar ngayong Phase 3 of gradual lifting of Covid-19 restrictions sa Qatar, kabilang na dito ang mga public beaches. Nakatutok si Kasamang Reidzkhan para sa buong detalye.

Magsubscribe na sa YouTube Channel ni Reidzkhan via this link: MILLION SSS - https://www.youtube.com/channel/UCFSJXuhKP7D5ZYY8TUA_coA

2. Talabat Maari Na Ring Magdeliver ng Gamot 

Pwede nang mag-order at magpadala ng gamot via Talabat app. Bakit nga ba naging online pharmacy na din ang Talabat. Nakatutok si Kasamang Myca Agustin para sa karagdagang impormasyon.

Magsubscribe na sa YouTube Channel ni Myca Agustin via this link: IT'S ME MYCA - www.youtube.com/channel/UCNseEK3W9vxeLvhkwLgEJRQ 

3. Weather Update sa Qatar Ngayon

Para sa lagay ng panahon sa araw na ito, nagbabalik si Kasamang Myca Agustin.

4. Biking Exercise sa Gabi Mainam sa Kalusugan

Hilig nyo bang mag-ehersisyo? Narito ang ilang tips mula kay Kasamang Reidzkhan tungkol sa biking exercise tuwing gabi.

5. Lagay ng Pilipinas Ngayon

Kumustahin natin ang kalagayan ng Pilipinas ngayon. Nagbabalik si Kasamang Myca Agustin upang ibahagi ang lagay ng Pilipinas ngayon.

6. Mga Madalas Itanong Kapag Babalik ng Qatar

Mayroon pong mahalagang impormasyon tungkol sa pag-apply ng Entry Permit sa Qatar Portal.

Q. Sino ang authorized na mag-apply ng "Entry Permit"? Maaari bang ang mga residents o QID holders ang mag-apply ng "Entry Permit" para sa kanilang sarili?

A. Ang employer lamang ang papayagang mag-apply for the resident's entry permit. Regarding family members ng QID holders o residents ng Qatar ay maaari ring magsubmit ng entry permit request para sa kanilang kamag-anak, provided that he/she has an entry permit while being outside the country.

Q. Kailan makakapunta ng Qatar ang mga non-residents, ang mga may (family visit, Visit visa, at Work visa)? Maaari bang makapasok ng Qatar ang tourists ngayon?

A. Wala pang official announcement kung kailan. Bisitahin ang Ministry of Public Health website as it will be updated with information concerning issuing of visas, also visit the "Qatar Portal" website.

Q. May bayad ba ang COVID-19 testing sa Hamad International Airport?

A. Wala itong bayad. Ito ay free of charge.

Q. Galing anong mga bansa lamang ang papayagang direktang maghome quarantine at hindi na kukuha ng hotel quarantine booking?

A. Mga bansang galing sa low-risk countries at mga indibidwal na kasama sa listahan sa maaring maghome quarantine na lamang katulad ng mga 55 years old and above, mga buntis any trimester, mga inang may kasamang infant hanggang 5 years old, at marami pang ibang. Makikita nyo ang buong listahan sa exempted sa hotel quarantine mula sa Ministry of Public Health website.

Q. Maari ba akong magtravel sa Qatar kahit walang "Entry Permit" at hindi magbook ng hotel quarantine?

A. Hindi ka makakapagboard ng flight sa Qatar kapag walang approved "Entry Permit" at confirmed 7 days hotel quarantine package kung galing ka sa high-risk countries. Kapag galing sa low-risk country, kailangan lang ng "Entry Permit."

Ang mga Qatari at Permanent Residency holders lamang ang hindi required kumuha ng "Entry Permit." Subalit kailangan ng 7 days hotel quarantine reservation.

Q. Kailan makukuha ang approval ng entry permit?

A. Nakapanayam namin ang Qatar Portal hotline at ayon sa kanila walang specific number of days na nakasaad kung kailan makukuha ang approval ng entry permit o hanggang ilang araw ang hihintayin. Dagdag pa nila kailangang iaccess ng employer ang registered account niya and check sa My Application section na on process or under approval at magbabago daw ang status nito kung approved na. Maari ding makatanggap ng email.

7. Qatari Riyals to Philippine Peso Exchange Rate

Mababa pari ang palitan ngayon ng Qatari Riyals to Philippine peso. 13.19 ang exchange rate sa araw na ito. Doble ingat sa mga nagpapadala ng pera sa exchange outlets at ugaliing sundin ang social distancing.

8. Coronavirus Update sa Qatar Ngayon

Bumaba  ang naitalang bagong kaso ng ng Coronavirus sa Qatar sa araw na ito. 243 lamang ang new confirmed Covid-19 cases. Pitong araw nang walang naiulat na pasyenteng nasawi bunsod ng Covid-19. Ayon sa Ministry of Public Health, ang kaso ng mga nakarecover mula sa virus naman ngayon ay 277 at itoy mas dumami. Makikita nyo sa screen ang dami ng mga nakarecover na ngayon mula sa virus gayundin ang active cases. 

 

 

At dito nagtatapos ang aming programa ngayon. Abangan ang aming susunod na live video. Maari kayong mag advertise sa aming program and magpadala ng videos o stories to share with the Filipino community. Visit qatarday.com, follow us on Facebook, Twitter, Instagram and Youtube. 

Stay safe, stay healthy, stay informed and stay updated with Qatar Day News.

 

 

 

Comments