'Filipino Correspondent Live' with Darlene Regis - August 17, 2020

  • 2 months   ago

Nagbabalik ang Filipino Correspondent News Program ng Qatar Day upang maghatid ng mga balita ngayong August 17, 2020 sa Qatar:

Narito ang live report ng Qatar Day sa mga kaganapan sa Qatar ngayon:

1. Step-by-step Process sa Terminal After Hotel Quarantine sa Pinas 

Isa sa mga Kasamang naming Filipino Correspondent na si Yvonne Estimada ay kabilang sa mga OFWs na umuwi ng Pilipinas mula Qatar sa tulong ng repatriation  program noong August 12. Ano nga ba ang sunod-sunod na hakbang sa terminal pagkatapos ng hotel quarantine sa Pilipinas? Narito si kasamang Yvonne upang samahan tayo sa kanyang pagbahagi ng kanyang karanasan sa chartered flight.

Visit Yvonne's YouTube Channel at Simple Yvonne.

2. Pagbabalik-Eskwela Ngayong September Maaring Hindi Matuloy

Naghahanda na ang lahat sa pasukan ngayong September. Subalit, ayon sa gobyerno ng Qatar, maaari itong hindi matuloy. Nakatutok si Kasamang Myca para sa buong detalye. Visit her YouTube Channel at It’s Me Myca.

3. Weather Update sa Qatar Ngayon

Para sa lagay ng panahon sa araw na ito, narito si Kasamang Myca Agustin.

4. Bawat Estudyante sa Qatar Dapat May Computer

Sa paghahanda sa pasukan ngayong September dito sa Qatar, ipinatupad ang e-learning ng Ministry of Education and Higher Education sa mga public schools nationwide nangangahulugang ito ang method of teaching para sa darating na academic year. This will apply to both distance learning and face-to-face classes.

Ayon sa bagong alituntunin, lahat ng public schools ay kailangang ipaalam sa mga magulang na kailangang bigyan nila ang kanilang mga anak na estudyante ng computer bawat isa.

Kahit anong device ang kanilang piliin, it will need to meet the following specifications, as a minimum:

• Operating system: Windows 10 (Version 1809 or later), or Mac OS X10.13 or later.

•CPU speed: 1 GHz

• Memory: 512 MB

• Hard disk space: 5 GB

•Internet connection: Fixed internet connection with a minimum of 2 Mbps/ High speed broadband.

•Browser: Google Chrome, Microsoft Edge, Safari, Firefox

•High speed broadband

•Microsoft Teams – Microsoft Edge, Google Chrome

•Fixed internet connection with a minimum of  4 Mbps without camera

• Fixed internet connection with a minimum of  6 Mbps with camera

Kailangan ding payuhan ng mga paaralan ang mga parents na i-verify ang usernames at passwords ng mga estudyante upang matutukan nila ang kaalaman ng kanilang mga anak gamit ang mga online platforms. Kapag mayroong technical issues, maaring tumawag sa Ministry-dedicated hotline na 155.

5. Massage Service sa mga Salon Pinagbabawal

Pinaalala ng Ministry of Commerce and Industry (MOCI) na ang massage services sa Qatar ay nananatiling suspendido until further notice, ito ay alinsunod sa mga hakbang ng Qatar government sa pagsugpo ng coronavirus. 

Lahat ng massage activities sa mga salons, massage parlors, Moroccan bath services at home services is effective until further notice, ayon sa Ministry.

Haharap sa legal charges ang mga lalabag sa nasabing panukala.

Pinahintulutan namang magbukas ang mga barbershops at hair salons subalit may limitadong capacity ngayong Phase 3 ng gradual lifting of Covid-19 restrictions sa Qatar. 

Ang mga indoor swimming pools, sauna and steam rooms, jacuzzis at massage services will remain closed ay nananatiling sirado sa publiko.

6. Babala: Wag Magdala ng Malaking Halaga Kapag Magbyabyahe sa Qatar

Kapag balak mong umalis ng Qatar for good at mayroon kayong mga pag-aari na may malaking halaga katulad ng pera at mga alahas, tandaan na may limitadong value kung dadalhin ang mga ito sa Hamad International Airport.

Magkano ang halaga na maaring dalhin?

Ayon sa Qatar currency import and export regulations, maaring magdala ng kahit anong klase ng pera: local currency (Qatar Riyal-QAR) o foreign currencies man, huwag lang ang Israeli currency).

Subalit may limitasyon ang halaga nito, amounts equal to or higher than QAR 50,000 - must be declared on arrival o departure sa airport. Kabilang na dito ang mga jewelry, precious metals or stones if ang value ay equal to or higher than QAR 50,000.

Ang mga travellers na darating o aalis ng Qatar ay kailangang i-declare sa airport customs kapag mayroong cash, jewellery or kahit anong financial instruments worth QR50,000 o mahigit pa dito.

Ayon sa Qatar's General Authority of Customs (GAC), kailangan mong pumunta ng Hamad International Airport Declaration Office at mag-fill out ng declaration form. 

Kailangan mong i-declare kapag mayroon kang traveller's cheques, bank cheques, signed payment orders and bonds, at iba pang may 50,000 or more na halaga katulad ng precious metals or stones.

Ito ay dapat gawin sa kahit anumang air, sea and land ports ng bansa.

Ito ay alinsunod sa enforcement of Law No. 20 of 2019 sa pagsugpo ng money laundering at terrorism financing at Cabinet Decision No. 41 of 2019 on the executive regulations of the same law.

Kapag magbigay ng false information, at hindi makapagpasa ng written declaration o tumangging magbigay ng necessary details katulad ng source of money, ay makukulong ng up to three years o may multang QR100,000-500,000 o doble sa kabuuang halaga ng money in question, whichever is higher. Maari ding iconfiscate ang pera o ari-arian.

Paano kung mayroon kayong package ng gold for personal purposes katulad ng mga singsing at bracelets, mayroon bang customs duties na kailangan kong bayaran?

Ang mga personal belongings at regalong katulad ng gold at iba pang precious items ay exempted from customs duties provided that their value does not exceed 3,000 Qatari riyals, otherwise subject to a 5% customs duty of the goods value.

7. Qatari Riyals to Philippine Peso Exchange Rate

Mas lalong bumaba ang palitan ngayon ng Qatari Riyals to Philippine peso. 13.21 ang exchange rate sa araw na ito kumpara kahapon na 13.25. Doble ingat po mga kabayan kapag magpupunta sa mga exchange outlets dahil dagsa ang mga nagpapadala ng pera at laganap pa rin ang coronavirus sa Qatar.

8. Update Ngayon sa Covid-19 Cases sa Qatar

Pumalo ng 288 ang naitalang new confirmed cases ng Coronavirus sa Qatar sa araw na ito. Wala namang naiulat na pasyenteng nasawi ngayon bunsod ng Covid-19. Ayon sa Ministry of Public Health, ang kaso ng mga nakarecover mula sa virus naman ngayon ay 288. Makikita nyo sa screen ang dami ng virus-free na ngayon gayundin ang active cases. 

May mahalagang announcement ang local health officials dahil ang vaccination against COVID-19 is expected to be available by the end of this year or by the beginning of next year. 

Nagpaalala rin ang mga awtoridad na ang lahat ng estudyante ay dapat magsuot ng face masks habang nasa loob ng classroom.

 
 

At dito nagtatapos ang aming programa ngayon. Abangan ang aming susunod na live video bukas, August 18, 2020. Maari kayong mag advertise sa aming programa at magpadala ng videos o stories to share with the Filipino community through email sa info@qatarday.com. Visit www.qatarday.com, follow us on FacebookTwitterInstagram and Youtube

Stay safe, stay healthy, stay informed and stay updated with Qatar Day News.

Comments