Filipino Correspondent Live Report - July 27, 2020

  • 3 months   ago

Nagbabalik ang Filipino Correspondent Daily Live News Program ng Qatar Day for more updates sa Qatar ngayon. Live din kami sa YouTube kaya’t subscribe na sa aming YouTube Channel sa link na ito: https://www.youtube.com/user/QatarDay/videos

Abangan ang live video ng mga sumusunod na ulat ngayong araw na ito, July 27, 2020, at 5:30 PM Doha time. Ang link sa video ay makikita niyo dito pagkatapos ng ulat.

Manalo ng Free Haircut for 1 Year sa Le Coiffeur!

Gusto nyo bang manalo ng libreng haircut na good for 1 year worth 1,000 Riyals mula sa Le Coiffeur? Paano sumali? i-follow at i-like nyo lang ang official Facebook at Instagram pages ng Qatar Day, Le Coiffeur Salon at Le Coiffeur Barbershop. I-like at ishare niyo din sa tatlong friends nyo ang post na ito na nakikita nyo sa screen, ang link ng post na ito ay nakalagay sa caption ng live video namin ngayon.

- 1 lucky winner will be selected

- Share before 5th of August to enter the draw

Phase 3 Gradual Lifting ng Coronavirus sa Qatar 

Sa nalalapit na month of August, magsisimula na ang Phase 3 ng gradual lifting of coronavirus sa Qatar. Ano nga ba ang mga kaganapan sa Qatar sa panahong ito? Narito ang report ni Kasamang Myca Agustin ukol dito. 

Mga Gabay sa Restaurants, Gyms at Salons sa Phase 3

Sa phase 3 of gradual lifting of Covid-19 restrictions sa Qatar, muli nang magbubukas ang mga gym, salon, at mayroon ding mga pagbabago sa mga guidelines sa restaturants. Narito si Kasamang Yvonne Estimada upang mag-ulat para dito.

300 Additional Opening ng Mosques sa Qatar Phase 3

Para sa mga Kabayan nating Muslim, may magandang balita sa inyo si Kasamang Reidzkhan tungkol sa reopening ng mga mosques.

Mga Inabandonang Kotse sa Qatar Inumpisahang Tanggalin ng Ministry

Maraming abandoned vehicles na ang tinanggal ng Ministry of Municipality and Environment o Baladiya mula sa mga daan, narito ang report ni Kasamang Reidzkhan.

Weather Update sa Qatar Ngayon

Para sa lagay ng panahon ngayon, nagbabalik si Kasamang Myca upang mag-ulat para dito.

Qatari Riyals to Philippine Peso Exchange Rate

Tumaas  ang exchange rate ng Qatari Riyals to Philippine Peso ngayon. 13.62 ang palitan ngayon kumpara kahapon na 13.40. Depende pa rin sa mga exchange outlets ang final rate and please follow the rules to protect yourself and the others against Coronavirus.

Update Ngayon sa Covid-19 Cases sa Qatar

No new Covid-19 death case in Qatar today, 292 new confirmed cases also detected

292 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus sa Qatar sa araw na ito ayon sa Ministry of Public Health. Ang kaso ng mga nakarecover mula sa virus naman ngayon ay 304. Umabot na ng 106,328 ang mga nakarecover mula sa Covid-19. Kinumpira din ng MoPH na walang nasawi ngayon bunsod ng virus.

 

 

 

Mga Dapat Tandaan sa Mga Kaganapan sa Qatar Mula August

• Maaari nang magbukas ulit ang mga restaurants sa Qatar subalit kailangang magregister sa Qatar Clean program.

• Subalit closed pa rin ang mga food courts sa shopping malls

• Kailangan pa ring mag advance reservation ang mga kakain sa restaurants.

• Bawal ang open buffet.

• Bawal din ang mga seisha.

• Pagbabawalan ang mga taong hindi nagsusuot ng medical masks.

• Hindi maaring magdine-in ang mga taong may 38 and above degree celcius body temperature.

• Mayroong social distancing stickers sa mga sahig ng restaurants

• No less than 2 metres ang pagitan ng bawat table at maximum of 5 katao sa bawat table, except kung family kayo.

• Bawal din ang paninigarilyo.

• Bawal ang mga limousin o taxi drivers sa mga entrance ng tourist areas.

• Sa mga gym naman, checking of body temperature, green code sa Ehteraz app, under 12 years old hindi papayagan, ang mga magpupunta ng gym ay kailangang magdala ng sarili nilang towels, personal hygiene kits, at drinking bottles

• Kailangan din ng prebooking kapag magpupunta ng gym

• Lahat ng barbershops at beauty centers ay magbubukas na rin

• Kailangan ng Ehteraz app with green code bago pumasok

• Mayroon ding body temperature check

• Kailangan din ng prebooking kapag magpupunta ng mga salon

• Closed pa rin ang mga indoor swimming pools, sauna, stea, rpp,s. jacuzzi at massage services.

• Open naman ang mga outdoor swiming pools at waterparks

• 80% capacity na ang papayagang magback to work sa mga offices o workplaces

• Bawal umupo at magpicnic sa mga park, corniche at mga dagat

• Kailangang mag face mask kapag naglalakad outdoors pero kapag nag eexercise, maaring walang mask subalit may 2 meters physical distance

• Sa mga pagtitipon o social gathering, papayagan na ang maximum to 10 people kapag nasa loob ng bahay o building at 30 katao naman kung outdoors.

• Kailangan silang magsuot ng masks, at sumunod sa iba pang safety precautions

• Ang mga above 60 years old naman, pregnant women at may mga chronic conditions ay hinihikayat na hindi sumama sa mga gatherings

Narito ang iba pang announcements ng Qatar Government sa nalalapit na Phase 3 ng gradual lifting of Covid-19 restrictions sa Qatar:

Unlock 3: Everything you need to know about 3rd phase of lifting of COVID-19 restrictions in Qatar

Abangan ang susunod na live video bukas ng Filipino Correspondent. Maari kayong mag advertise sa aming program and magpadala ng videos o stories to share with the Filipino community.

Visit qatarday.com, follow us on Facebook, Twitter, Instagram and Youtube. 

Stay safe, stay healthy, stay informed, and stay updated with Qatar Day News.

Comments