Balitang OFW: Paano Magpadala ng Pera sa Pinas Mula Qatar Ngayong Covid-19 Outbreak?

  • 6 months   ago

Ikaw ba ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) na madalas magpadala ng sustento para sa inyong mga mahal sa buhay sa Pilipinas?

Huwag mag-alala, sapagkat kahit nananatiling suspendido ang mga padalahan ngayon sa Qatar, maari ka paring magpadala ng pera sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Ooredoo Mobile Money

Gusto mo ba na makakuha ng additional QR100 sa iyong padala?

Gamitin lamang ng MoneyGram sa Ooredoo Mobile Money sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan at ikaw ay makakatanggap ng QR 100 sa iyong mobile wallet!

Paano gamitin ang MoneyGram?

Sa Ooredoo Mobile Money at MoneyGram, hindi mo na kailangang pumila o maghintay ng matagal sa mga bangko para lamang magpadala ng pera sa Pilipinas. Ang kailangan mo lamang ay ang iyong Ooredoo Mobile Phone! 

Ano ang mga benepisyong makukuha dito?

1. Simpleng proseso - I-dial lamang ang *140# at sundin ang  Menu Options.

2. Pwedeng magpadala 24/7

3. Ang cash ay makakarating ng 10 minuto sa 200 na bansa gamit lamang ang MoneyGram

4. Malaki ang value ng exchange rates at mura lamang ang transfer fees

5. Maaari mong gamitin, kahit saan at kahit kailan, gamit lamang ang iyong mobile phone

Paano magpadala ng pera?

1. Registration – I-dial lamang ang *140# sa iyong Ooredoo Mobile at sundin ang Menu Instructions. I-click link na ito para sa karagdagang detalye.

2. Cash In – I-click ito nang malaman kung paano mag-load ng cash sa iyong OMM Wallet sa pamamagitan ng Ooredoo Shop o hanapin ang Ooredoo Machine {SSM}.

3. Ilagay ang beneficiary details at magpadala ng pera – Sa Mobile Money Menu, ilagay ang beneficiary details na padadalhan ng pera. Pwede kang magdagdag ng beneficiary, mag-edit o delete ng existing beneficiary kahit anong oras gamit ang mWallet Settings option ng iyong mobile money menu. 

Para sa karagdagang impormasyon, i-click ang link na ito.

Western Union

Sa Western Union, maaari kang magpadala ng pera online at magbayad lamang ng QR15 transfer fee sa bawat padala.

24/7 Pera Padala – Kompletohin ang hinihinging impormasyon at magpadala ng pera kahit saan ka man sa Qatar, at kahit anong oras.

Money Transfer Tracking – Alamin kung nasaan ang inyong ipinadalang pera at tumanggap ng notification kapag nakuha ng iyong receiver ang iyong padala

My WUSM Program – Ang Western Union ay may tinatawag na “My WUSM Program” kung saan mayroon kang matatanggap na rewards sa bawat padala. 

I-click ang link na ito para sa karagdagang detalye.

 

 

 

Bukod sa mga money transfer shops at bank transfers, ang mga paraang ito ang maari mong gamitin upang makapadala ng pera sa panahon ng Covid-19 pandemic:

International digital banking – Medyo may katagalan, subalit ang international digital bank account ay makakatulong dahil sa mas mababang charges sa pagpadala ng pera.

E-wallets - Ang electronic wallets ay mas madali ang pagmanage online. Halimbawa nito ay ang PayPal, GCash, Coins.ph at PayMaya. Sa pamamagitan ng mga digital services na ito, hindi na kailangan ang personal transactions. Maraming mga tindagan ang tumatanggap ng e-wallets para sa payments, at ang mga ito ay tinatawag na “contactless” transactions.

Cryptocurrencies – Kung ikaw at ang receiver ng perang ipapadala mo ay parehong magaling sa computer, ang cryptocurrency ay isang mabilis at murang paraan sa pagpadala ng pera sa buong mundo. Dito, hindi mo na kailangan ng bank account o umalis ng bahay para lamang magpadala ng pera. Narito ang halimba ng Crypto Finder website para sa karagdagang impormasyon.

Tips para makatipid sa padala

  • Exchange Rate – Tingnan ang mid-market rates gaya ng USD to PHP at GBP to PHP bago magpadala.  Ikumpara ang rates sa online transfer service providers at piliin ang may highest conversion value. 
  • Transfer Fees – I-check ang fees, lalo na kung may hidden charges. Sa halip na gumastos ng sobra sa transfer fees, mas mainam na malaki ang matanggap na halaga ng iyong pamilya. Hanapin ang mga online money transfer na may mas mababa o libreng fees.
  • Payment Method – Iwasan ang paggamit ng credit card. Ito ay isa sa pinakamahal na paraan ng online money transfer.
  • Speed - Kung hindi emergency ang iyong padala, wag piliin ang pinakamabilis na paraan sa pagpadala. Ang exchange rates ay mas mababa kung ang delivery ay mas mabilis o ang transfer charges ay mataas kumpara sa ibang economy transfers.
  • Delivery – Ang pinakamabilis na pagtanggap ng pera ay ang pag pick-up nito. Subalit, alamin sa remittance company kung may mga hidden charges na kailangang bayaran bago kunin ng receiver. Mayroon namang door-to-door pera padala kung saan ang pera ay makakarating ng direkta sa receiver ngunit may extra delivery charges.
  • Limit ng transfer - Kung nais mong magpadala ng malaking pera, alamin sa remittance provider kung pwede ba ito sa single transaction upang hindi na kailangan ang separate o multiple transactions na mas malaki ang babayaran.

Ito ang mga kailangan para makapagpadala ng pera online

  • Bank account – Kailangan ito upang makapagpadala online at tandaan na dapat may sapat na laman ang iyong account bago mag-book ng transaction.
  • Personal Details – I-check ang remittance website at magregister. Ang iyong mga personal na detalye kabilang ang iyong pangalan at address ay dapat magkatugma sa nakalagay sa iyong mga ID. Ang iyong email ID at mobile number ay kailangan din.
  • ID proofs / KYC documents – Ihanda ang iyong soft-copy ng passport, bank statement, utility bills, o kahit anong proof ng iyong identification. Ito lamang ay one-time requirement.
  • Receiver Information – Ihanda din ang beneficiary details gaya ng pangalan, mobile number, address, at bank details for bank deposit ng tatanggap ng iyong padala. Kung siy ay tatanggap ng cash, hindi na kailangan ng bank details.
  • Gadget o Device – Kailangan mo ng computer o mobile device para makapagpadala ng pera online. Iwasan ang paghiram o paggamit ng gadget ng iba upang hindi ma-hack ang iyong impormasyon lalo na ang iyong bank information. Kung ikaw ay nagpapadala mula sa ibang computer, siguraduhin na ikaw ay nag log-out mula sa website at sa iyong email.

Kung nakuha mong sundin ang mga hakbang sa itaas, maari kanang magpadala online!

Comments