Balitang OFW: Mga Pinoy sa Qatar May Mga Pakulo sa Linggo ng Pagkabuhay

  • 7 months   ago

Ang Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay ay ang paggunita ng resureksyon ng Poong Maykapal. Marami sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Qatar ang nagdiriwang sa araw na ito bilang simbolo ng bagong yugto at pag-asa sa buhay.

  • Sa pagdiriwang ng Easter Sunday, ang grupong Frich Revolution na kinabibilangan ng kapwa OFWs ay haharanahin kayo sa kabila ng unos na dinaranas ng lahat ngayon dulot ng coronavirus (Covid-19).

Inihahandog ng ilan sa mga pinakahahangaang overseas Filipino Talents, ang isang Virtual Musical Treat na binansagang, "Boses ng Pag-Asa."

Abangan ang live streaming nila na sa kasalukuyan ay pinapalabas sa official Facebook page ng grupo.

 

 

 

 

  • Ang Sari-Sari Asian Fusion Restaurant naman ay may offer na 50% discount sa 2nd main dish ng bawat order ng kanilang in-house delivery customers, bilang pagdiriwang nila sa okasyong ito. Libre din ang kanilang delivery service ngayong panahon ng Covid-19.

Kabilang sa menu ng restaurant ang katakam-takam na Thai, Filipino at Chinese dishes. Sila ay nag-aalok ng take-away at home delivery services mula 10am hanggang 10 pm.

Para sa inyong orders, tumawag sa 55636320 o 33650005.

Not only the “Home of the Best Asian Fusion Cuisine,” but also a “Home for the Award Winning Chefs," ang trademark ng restaurant na inyong babalik-balikang umorder ng mga malinamnam na pagkain.

Comments