Balitang OFW: Mahigit 1,000 OFWs mula Qatar uuwi ng Pinas!

  • 3 months   ago

Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit 1,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pauuwiin mula Qatar.

Ayon sa DOLE, ito ang una sa tatlong batches na pauuwiian simula bukas, Miyerkoles.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inayos ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Doha ang tatlong chartered flights para sa 1,062 OFWs na stranded at nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

“The first batch of 354 repatriates will be home on Wednesday, August 12, 2020. And we are thankful to the government of Qatar for allowing the chartered flights to bring home.”

Ang dalawang flights ay lulan ang tig-354 OFWs na darating sa bansa sa Agosto 19 at 26.

Lahat ng tatlong chartered flights ng Philippine Airlines ay inayos at pinondohan ng Overseas Workers Welfare Administration.

 

 

Base sa talaan ng POLO-Qatar, nasa 2,327 na ang natulongan ng DOLE sa mga OFWs na nagbabalik bansa  mula pa sa simula ng global pandemic.

 

 

Paano mag-apply sa repatriation program?

Sundin ang proseso dito.

Basahin ang ipa pang ulat tungkol sa mga OFW dito:

Bakit kailangang magrehistro ang mga returning OFW sa OASIS?

Makakauwi ba ng Pilipinas at makakabalik ng Qatar? Alamin dito

Source: Remate

Comments