Virtual jobs alternatibo sa OFWs na nawalan ng trabaho – DOLE

  • 3 days   ago

Ang home at internet-based na trabaho ay kabilang sa pinakamahusay na alternatibo para sa mga displaced OFWs at sa mga nagbabalik bans ana hindi na mangingibangbansa pa.

Ito ang pinakamahalagang bahagi ng webinar na isinagawa ng Department of Labor and Employment’s Institute for Labor Studies (ILS) at  Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Singapore pasa sa higit  80 overseas Filipino workers (OFWs)

“Virtual career allows one to work at the comfort of home, earn different currencies and serve different businesses,” ayon kay webinar resource speaker Ann Kristine Peñaredondo ng ILS.

Sinabi nito na minsan ay nagdudulot ng maling pagkaunawa,pagdududa at taot kapag sila ay hindi pa sanay  at hindi pa lubusang nakakasalamuha  ng maraming tao.

Aminado rin ito na ang virtual careers ay hindi para sa lahat ngunit binigyan diin nito na karamaihan sa mga pumili ng ganiotng trabaho ay nagtatagumpay.

Dagdag pa ni Peñaredondo na ang mga  writers, accountants, bloggers, advertisers, bookkeepers, coders, software engineers, illustrators, videographers, at marami pang mga kasanayan na propesyunal ay makakbuo ng virtual career kung nanaisin nila.

Binigyan diin din ni Labor Attaché Saul De Vries ang kahalagahan ng webinar sa gitna ng global pandemic na nagdudulot ng maraming OFW na nawalan ng trabaho  sa Singapore at iba pang bansa.

“Virtual careers are alternative options for those who lost their jobs due to COVID-19 as well as those who do not want to work away from their families,”  pahayag ni  De Vries.

Samantala, sinabi naman ni ILS Executive Director Ahmma Charisma Satumba na ang virtual careers ay magbibigay ng malawak na pagkakataon para sa mga OFWs at iba pang manggagawa.

Ayon sa DOLE, naging paksa sa webinar ay “Pano maging OFW ng hindi lumalabas ng ‘Pinas?” (How to be OFW without leaving the Philippines?) kung saan  live ito sa  Facebook na may libu-libong tagapanood.

 

Basahin din:

Hospital para sa OFWs sa Pampanga kinukumpleto na – DOLE

Gaano Ka-Sulit Maging SSS OFW-Member at Paano Magpamiyembro Nito sa Qatar?

Source: Remate

Comments