Pwede na ulit mag-file ang mga OFW ng legal assistance online: POEA

  • 4 weeks   ago

Muling sinimulan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang online legal assistance program nito upang tulungan ang overseas Filipino workers (OFWs) at mga pamilya nito na magsampa ng kasong illegal recruitment.

Inilabas ni POEA Administrator Bernard Olalia ang Memorandum Circular No. 12, series of 2020, nitong Miyerkoles na naglalaman ng panuntunan para sa Legal Assistance Online platform nito upang masiguro ang napapanahon at epektibong paghahatid ng serbisyong legal upang pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW.

 

 

 

“The provision of legal assistance online is an avenue for those seeking legal assistance without the need to travel all the way to the POEA main office,” anang ahensya.

Dagdag pa nito, higit 620 na kliyente na ang napagsilbihan ng mga abugado mula nang magsimula ang community quarantine.

Nakatanggap din ito ng mga katanungan tungkol sa paglabag sa kontrata, hindi pagbabayad ng sweldo at benepisyo, iba’t ibang uri ng pang-aabuso, ang ilan pa sa mga ito.

Bukod sa legal advice, nagbigay din ng welfare assistance na may kaugnayan sa repatriation ang mga abugado ng ahensya at Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) na isang cash assistance program para sa OFWs.

Na-endorso at nahawakan din ang mag ulat tungkol naman sa illegal recruitment at recruitment violations upang maayos na mainmbestigahan.

Nag-abiso ang POEA sa overseas job seekers, OFWs, at mga kaanak nito na mag-log on sa POEA legal assistance online platform sa: legalassistance.poea.gov.ph ang mga nais makakuha ng libreng legal assistance o kaya mag-email sa legalassistance.poea@gmail.com.

Para sa mas maraming impormasyon, bisitahin ang POEA website o ang POEA Anti-Illegal Recruitment Branch Facebook page sa www.facebook.com/airbranch.

Narito ang iba pang ulat tungkol sa mga OFW:

Halos 200,000 na 'no work, no pay' OFWs, ayaw umuwi ng Pilipinas

OWWA, may ilalatag daw na dagdag na ayuda sa mga nag-uuwiang OFWs

Source: Remate

Comments