Pinay OFW na nagtangkang magpatiwakal, tuluyan nang binawian ng buhay ngayon

  • 2 months   ago

Nagtangkang magpatiwakal ang isang Filipina household service worker sa Beirut, Lebanon noong May 23, at sa araw na ito kinumpirmang binawian na ng buhay ang Overseas Filipino Worker (OFW) ayon sa ipinahayag na statement ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Linggo, May 24.

Dagdag pa ng DFA na ang nasabing OFW ay kinuha bilang ward ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) shelter nito lamang May 22. Subalit, sa sumunod na araw ay tumalon ito mula sa kwarto kung saan may kasama itong dalawang kapwa OFWs.

Nakausap ng mga opisyal ng Embahada ng Lebanon ang nakakatandang kapatid ng pumanaw na Pinay worker para ihatid ang pakikiramay nito. Nag-alok rin ng tulong ang Embahada upang makarating ang mga labi nito sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, nananatiling nakalockdown ang Beirut, Lebanon at sarado pa rin ang international commercial flights dito.

Inaalam pa kung ano ang sanhi ng pagtangkang pagpatiwakal ng OFW. Sinisiguro din ang kaligtasan ng mga female wards sa shelter at binibigyan ang mga ito ng counseling ng mga opisyal ng Embahada.

 

 

 

Narito ang ipinalabas na anunsiyo ng DFA tungkol sa yumaong Filipina OFW:

Statement: On the Suicide of an OFW in Lebanon

24 May 2020 – It is with deep sadness that the Department of Foreign Affairs announces that the Filipina household service worker who was taken in by the Philippine Embassy in Beirut, Lebanon, as ward at the POLO shelter on 22 May 2020 and reportedly jumped from a room she was sharing with two other OFWs in the morning of 23 May 2020 has passed away today.

The Embassy was able to speak to the Filipina’s eldest sister in the Philippines as well as her cousin in Lebanon to convey its condolences. It also gave assurances in extending assistance on the possibility of bringing her remains back to the Philippines. As of the moment, Beirut is still under lockdown and international commercial flights in Lebanon are yet to resume.

As details on the incident are currently being investigated, the Embassy has ensured the safety of the rest of the female wards in the shelter and will provide them counseling, as needed.

Para sa iba pang ulat tungkol sa mga Pinoy abroad, basahin ang mga sumusunod:

Ano ang  bagong 'Uwian Na' program ng OWWA at paano ito makakatulong sa mga OFW?

Pamilya ng mga OFWng apektado ng Covid-19 qualified sa DSWD subsidy

Source: Department of Foreign Affairs - Philippines

Comments