OFWs at non-OFWs kailangan pa rin i-quarantine bago umuwi ng probinsiya

  • 1 month ago

Lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuuwi ng Pilipinas ngayong panahon ng pandemya, ay kinakailangang sumailalim sa quarantine sa government isolation facilities o mga hotel na accredited ng Bureau of Quarantine (BOQ), ayon sa COVID-19 Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs.

“Please be advised that all repatriated OFWs and non-OFWs are required to undergo mandatory quarantine in any government quarantine facility or hotel accredited by the BOQ until they receive their RT-PCR test results proving them to be negative for COVID-19,” a ng sub-task group sa isang statement na ipinost ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Facebook nito lamang Lunes.

 

 

 

“Please disregard all previous announcements regarding home quarantine for returning OFWs or non-OFWs,” dagdag pa nito.

Nilinaw ng Sub Task Group for the Repatriation of Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naunang anunsyo hinggil sa home quarantine para sa mga uuwing overseas Pinoys sa Pilipinas.

Una nang inihayag ng task group na ang OFWs, Pinoy seafarers at overseas Filipinos na darating sa NAIA simula sa ika-1 ng Hunyo ay sasailalim na lamang sa home quarantine matapos makuhanan ng swab test.

Sa inilabas na bagong anunsyo, inabisuhan ang lahat ng repatriated OFWs at non-OFWs na kailangan pa ring sumailalim sa mandatory quarantine sa quarantine facility o hotel na accredited ng Bureau of Quarantine hanggang hindi pa napapasakamay ang RT-PCR test results na nagsasabing negative sila sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Noong May 31, naitalang 24,028 repatriated OFWs ang nakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya pagkatapos manatili sa iba't-ibang quarantine facilities, ayon sa Malacañang.

Samantalang ang record na ipinalabas ng Department of Labor and Employment (DOLE), ay umabot ng 25,000 na ang nakabalik na mga probinsiya.

Ang pagbabalik ng mga OFWs sa kanilang home provinces ay alinsunod sa patakaran ni President Duterte’s na madaliin ang pag-release ng government agencies sa mga naka-quarantine sa Metro Manila.

Narito ang iba pang ulat tungkol sa mga OFW:

Pwede na ulit mag-file ang mga OFW ng legal assistance online: POEA

OWWA, may ilalatag daw na dagdag na ayuda sa mga nag-uuwiang OFWs

Comments