Hospital para sa OFWs sa Pampanga kinukumpleto na – DOLE

  • 2 weeks   ago

Nagpapatuloy ang pagkumpleto ng Department of Labor and Employment (DOLE)  sa konstruksyon ng hospital para sa overseas Filipino workers (OFW) sa Pampanga sa kabila ng pagkaantala dahil sa pandemya.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre III na inaasahan itong matapos sa susunod na taon matapos ma-delay.

“There were stoppages in construction works but the hospital for our migrant workers would still be finished next year,” paliwanag ni Bello.

Sinabi rin ng kalihim na inaasahan din ni President Rodrigo Duterte na maging operational na ang nasabing ospital sa 2021 para makapagserbisyo na sa mga OFWs.

Original umanong nakatakdang matapos ang konstruksyon ng proyekto sa April 2021 ngunit maari pa rin umano itong matapos ngayong Disyembre base na rin sa pagtitiyak ng builders.

Pinangunahan naman ni Bello ang paglagda sa agreement sa pagitan ng Provincial Government of Pampanga at  Department of Labor and Employment (DOLE) para sa konstruksyon ng kauna-unahang   OFW hospital sa bansa  na matatagpuan sa   Baranggay Sindalan, San Fernando, Pampanga.

“I hope we can do our best to complete this wonderful project earlier. The sooner it is finished, the sooner we can help our OFWs,” dagdag ng kalihin.

Kasama rin sa proyekto ang Department of Health (DoH), Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), at  Bloomberry Cultural Foundation.

Sa sandaling makumpleto na ang naturang ospital ay magbibigay ito ng libreng serbisyo medikal sa mga noderm heroes ng bansa.

“It will render free services when OFWs are securing medical certificates covering laboratory exams and other requirements for their overseas deployment,” anang kalihim.

 

Una nang pumayag ang PAGCOR na magdodonate mh P200 milyon para sa acquisition at installation ng equipment at pasilidad para sa hospital habang ang   Bloomberry Cultural Foundation ang sasagot naman sa gastusin ng konstruksyon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Basahin din:

Educational Assistance Para sa Mga Qualified na Anak ng OFWs

OWWA may pautang sa OFWs na nawalan ng trabaho

Source: Remate

Comments