Gusto mo bang matutong gumawa ng washable facemask at iba pang skilled courses? Mag-aral ng libre online sa TESDA!

  • 5 months   ago

Ang TESDA Online Program (TOP) ay isang open educational resource. Layunin nito na gawing bukas ang technical education para sa lahat ng Filipino citizens sa pamamagitan ng  teknolohiya sa impormasyon at komunikasyon.

Ang TOP ay nagbibigay ng epektibong technical education at skills development services para sa mga estudyante, out-of-school youths, unemployed adults, local at Overseas Filipino Workers (OFWs), at professionals na gustong kumuha ng TESDA courses sa gusto nilang oras at sa sarili nilang desktops o laptop computers.

Ang TESDA na ang kahulugan ay Technical Education and Skills Development Authority ay isang sangay ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang layunin ay malinang ang kakayahang teknikal at kasanayan ng sinumang magtatrabaho sa ibang bansa. Ang sinumang magtatrabaho sa ibang bansa na ang kanilang skill ang puhunan ay kailangang sumailalim sa TESDA.

Matutong gumawa ng washable facemask at iba pa!

Narito ang mga Hakbang sa paggawa ng washable facemask mula sa TESDA online workshop:

Mga Hakbang sa Paggawa ng Washable Face Mask

Downloadable Pattern: https://bit.ly/2UGSmOD I-print sa A4-sized (8.27 × 11.69 in) na papel.

Paano mag-enrol dito?

Ang TOP website ay maaaring ma-access sa  TESDA website www.tesda.gov.ph I-click lamang ang TOP icon sa kanang bahagi ng Home page.

Upang maacess ang available courses ng TESDA Online Program website, dapat ka munang register ng iyong account at kung paano ay i-click lamang ito

Dapat ba akong magbayad?

Ang TESDA Online Program ay LIBRE lamang. Wala itong hinihingi na tuition fee sa pag-access ng mga courses.

 

 

 

Makakakuha ba ako ng certificate of training pagkatapos makompleto ang online course?

Oo. Makakakuha ka ng Certificate of Completion pagkatapos mong makompleto ang course at kapag handa ka na, maaari ka nang kumuha ng face-to-face assessment para sa National Certification sa kahit saang TESDA accredited assessment center o venue.

Kanino pwedeng mag-contact para sa technical support?

Para sa mga comments, suggestions o mag-report ng technical problems, maaring mag-email sa tesdaonlineprogram@tesda.gov.ph at tumawag sa (+632) 893-8297).

Basahin ang iba pang kuwentong OFW na paghuhugutan ng inspirasyon dito:

Balitang OFW: Isang OFW nagsuot ng Power Rangers costume para magbigay aliw at pagkain sa mga bata sa panahon ng Covid-19

Ilang OFWs nagsasagawa ng fundraising para tulungan ang mga kababayan at mag-donate ng PPEs sa mga ospital 

Source: Technical Education and Skills Development Authority

Comments