Ano ang bagong patakaran sa quarantine process ng repatriated OFWs? Alamin dito

  • 1 week ago

Magpapatupad na ng tiyak na timeline ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa agarang pag-uwi ng mga overseas Filipino worker na naka-quarantine sa mga pasilidad ng gobyerno matapos ma-repatriate.

Paliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, dapat makaalis na sa mga pasilidad ang OFWs limang araw makaraan ang kanilang quarantine period.

“The IATF (Inter-agency Task Force) committed, lilimitahin na nila iyong timeframe para sa ganoon, after iyong 14 days quarantine, in about 5 days makakalabas na iyong ating OFWs,” ani Bello sa Laging Handa briefing Sabado.

Kaugnay ito ng mga ulat na natatanggap kung saan nananatili pa rin ang mga OFWs sa tinutuluyang quarantine facilities at naghihintay ng resulta ng kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kahit lagpas na sa itinakdang dalawang linggong quarantine.

 

 

 

Sa ilalim ng protocol ng gobyerno, ang mga uuwing overseas Filipino workers ay dapat sumailalim sa 14 araw quarantine bago tuluyang umuwi sa kanilang mga pamilya.

Bukod sa quarantine, nagsasagawa ng swabbing at iba pang test sa OFW para masigurong wala silang coronavirus bago makauwi sa kanilang pamilya.

Maaalalang kamakailan ay napaulat na may mga tumatakas na OFWs sa pasilidad. Narito ang ulat tungol dito: Dalawang OFWs na positibo sa COVID-19 at tumakas sa quarantine facility, natunton na— OWWA

Basahin ang karagdagang impormasyon tungkol sa proseso dapat sundin ng OFWs kapag uuwi ng bansa:

Uuwi ka ba ng Pinas dahil sa pandemic? Narito ang mga dapat mong malaman

Sa mga nagnanais na umuwi ng Pilipinas ngayong kasagsagan ng pandemic, narito ang ilang gabay:

Gusto mo bang umuwi ng Pinas ngayong Covid-19 pandemic? Ito ang iyong dapat gawin

Source: Remate

Comments