5 OFWs, Bakit Pinigilan sa NAIA?

  • 2 months   ago

Muling pinaalalahanan ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga papaalis na Overseas Filipino Workers (OFWs) na iprisinta nila ang kanilang kumpletong travel at work documents bago umalis.

Ang naturang paalala ay sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente makaraang limang OFWs ang pinigil sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kakulangan ng kanilang dokumento o employment visas.

Ayon kay Morente, sa kasalukuyang panuntunan ang isang papaalis na OFW ay kinakailangang kumuha ng employment visa sa bansang pupuntahan niya.

Saad pa ng BI Chief, ang pagkakaroon ng valid overseas employment certificate (OEC) mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay hindi sapat para payagan ang isang OFW na makalabas ng bansa kung wala itong working visa.

Paliwanag ni Morente, ang isang OFWs na bibiyeahe sa pamamagitan ng tourist visa ay hindi pinapayagang lumabas sa ilalim ng binagong guidelines ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Ayon sa BI’s travel control and enforcement unit (TCEU) na ang limang lalaking pasahero ay pinigil sa NAIA 3 terminal nitong Nov. 21 bago pa man sila sumakay ng Emirates patungong Dubai, United Arab Emirates.

Ang mga pasahero ay sasailalim sa secondary inspection matapos na napuna ng mga BI officers na may UAE tourist visa sila pero mayroon din silang OECs.

Inamin ng mga lalaking pasahero na sinabihan sila ng kanilang recruiters na ang kanilang working visas ay papalitan pagdating nila sa UAE at kung magpositibo sila ng test ng COVID-19 sa Dubai airport.

Sinabi pa nila na magtratrabaho sila bilang mga painters at pipe installers sa Emirate.

 

Basahin din:

Paano Nakakatulong ang Pag-IBIG Fund sa OFWs?

Mga Dapat Tandaan Kapag Uuwi o Aalis ng Pilipinas Ngayong Pandemic

Source: Remate

Comments